KAHALAGAHAN
NG WIKA
Katatapos
lang ganapin ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa ating bansa. Ipinagdiriwang
ito upang maipahayag sa mga mamayanang pilipino na dapat natin mahalin ang
ating sariling wika. Ang Wikang Filipino ay isa sa mga natanggap
natin mula sa ating mga ninuno. Tayong mga Pilipino ay likas na mayaman sa
kultura ng wika na naging daan kung bakit tayo’y maraming uri ng wika at dayalektong
ginagamit sa ating pamumuhay.
Napakahalaga
ng wika sa kasaysayan at kultura ng bawat lugar sa ating bansa. Ito ang ating gabay
sa pakikipagtalsatasan, sa pagpapahayag ng ating mga damdamin, ideya, pananaw
at pagbibigay ng opinion. Sa pamamagitan nito malinaw nating naipaparating ang ating
mga mensahe, sa pagsulat man o sa pananalita.
Ang
ating wika ay isang napakahalagang aspeto sa ating bansa. Ang ating wika ay dapat
gamitin sa wasto ng may buing pusong ipagmalaki. Dahil kahit saan mang dako sa
mundo tayo mapadpad ay ito an gating pagkakakilanlan bulang isang tunay na
mamayanang Pilipino.
Mahusay
TumugonBurahin